Wednesday, August 25, 2021

reminisce while on quarantine: Grade IV classroom

elementary days at DaoCentralSchool
How I love to reminisce my days after transferring from SACGradeSchool to DaoCentralSchool.
On the picture was then our classroom, Grade IV under mam Gloria Sastrillo.
Di pa Yan jalousy  Ang bintana, sliding window pero Hindi glass..pwede ka pang tumalon pagnaghahabulan kau sa classroom (habang wala si mam). Last classroom xa Ng building Kaya Ang dulo nya, ginagawang parking lot Ng mga may bike. Mga nagbabike pag pumapasok sa school.. including me sometimes. 
Masaya na ako sa BMX bike q. 😁
Sa room na ito, umiyak ako dahil di q alam isasagot q sa religion test nila, para review  exam Ng pinag aralan nila the previous year. E kakatransfer q lang. Khit anong pilit q sumagot, di ako mkarelate. 
Umiyak din ka pagbubully Ng classmates na walang ginawa kundi tuksuhin ka, lalo na Bago ka. 
Sa classroom na ito, xempre ksama na si mam Sastrillo, napasali ako sa A1 child, (malay q Kung ano un dati, Basta sunod lang ako). Parang contest un Ng mga 'healthyChild'-normal Ang weight, walang sira Ang ngipin..,etc. Ginawa every nutrition month. Tpos, parampahin ka sa stage. Then, tatanungin ka about health trivias.. khit mhiyain ako, sumunod lang, pero Malay q dun. Di q ata ginalingan.. hehe..
Dahil nga Bago sa school at nkikitaan ata nila Ng potential at dahil sa magaling daw q magsalita ng English, nag English declamator ako. Sa grade level lang namin. Kaya lang, na conscious at nkalimot Ng linya. 
Anyway, inspite of the encouragements nanatili p din ako introvert.. I went with my friends, childhood friends at newfound friends.. pero mostly tahimik lang ako. Go with the flow.
Sa.classroom na Yan, na experience q na halos 1month kami walang pasok dahil mam Sastrillo was admitted at the hospital. Minsan Pina pa sit-in kami sa class ni mam nierva, sa kabilang room. Pero, pag Hindi, andun kami sa plaza. Nagbabasketball Ang boys, kami nanunuod at cheerer o Kaya naghahabulan kami mahagpon. 😂 Ang saya nun!
Pero nung araw na na ospital si mam, nagtaka ako pagdating q sa classroom na Yan, naglilinis mga classmates q, may natutuwa dahil walang pasok, may naghahabulan, magulo Ang room. May nagsisigaw pa, 'na high blood si mam, walang pasok! Woooh!' (-sori mam Sastrillo, just being childish)
Pero, na miss di namin si mam Kaya, some of us nag initiate na bisitahin si mam sa ospital, sa abaca.. nka bike lang kami, girls&boys, ung iba angkas sa my bike. At Ang tanging bitbit namin para Kay mam ay 1pirasong skyflakes. Hindi ung 1 pack na pang 10, kundi 1 biscuit na may 3piraso sa loob. 😂 Sanay na appreciate ni mam.. hehe Senxa na po. Mga inosenteng mga Bata na nag aala sa Mam nila.
Dito din sa classroom na ito napatikim q sa classmates q kung gaano ako kasakit mangurot, kase sa tuwing tuksuhin nila ako, o ibully, my first self defense ay mangurot. 🤣 Kaya Minsan tahimik n lang sila. Titigil na sila. Dito din sa classroom na ito, na experience q din sumama sa pasaway.. hehe... Hindi nag join sa flag ceremony, dun lang sa likod Ng classroom Ng tago. Pero Minsan namn , napag assign din akong manguna sa pag recite Ng Panatang Makabayan, o magkumpas sa harap habang kinakanta Ang Lupang Hinirang, o maghila Ng lubid para sa flag raising. Hehe... Nakakenjoy. 
Sa classroom na ito q din nkilala Ng lubos Ang "dyban"- parang baul Ng walis at bunot at basahan 😁
Storage Ng mga cleaning materials. Palagi xe, 'kunin mo Ang walis sa dyban, o ung bunot'
Palinisan kmi Ng area. Minsan ung basahan, andun na sa mataas n bhagi Ng classroom, tinatapon.. 
Dito q din unang na experience Yung mahabang upuan na 2-3 kau Ng classmates mo mgkatabi, share din sa mhabang desk na may lagayan Ng gamit sa ilalim. (Sana na gets nyo) natuwa ako dun. Pwede ka mgtago chichirya habang naka klase 😅

Sa Dami pa Ng mga unang experiences q, dito sa school at sa classroom na ito.
Ngayon, Hindi na xa DaoCentralSchool, part na xa nga municipal government property. Dapat ata gawing mga office Kaya lang nagPandemic. Parang ginawang isolation facility na Ang buong area na ito. 
Masaya lang na mg reminisce Ng memories.

GradeIV ako nun.. ambilis Ng panahon. 😊

Wednesday, August 5, 2020

Thursday, June 16, 2016

Cousin's Day Out part1

           


COUSIN'S DAY OUT

Part 1. The Plan

May 13, 2015 @Bayambang.Pangasinan



Picture taken last year. Ella, ako, Nene Amidel.. Eto yung last year na ngkachance na makapunta sa Pangasinan. Kumuha lang naman si nanay nga kanyang retirement, naisipang pumasyal sa kina Auntie Fe at Ella sa Bayambang, Pangasinan. Tapos, nasabi ni Auntie Fe na, 'Balik kayo dito next year..'

Sometime ng April ng post sa messenger namin ni ella si nene Amy,
“I NEED A BREAK!!!” - badly needed daw yung 'BREAK' nya..
why not? Sige.
after election.
May 20, 2016@Bayambang,Pangasinan
Bahala na daw si Ella sa itinerary- Baguio at hundred Islands Adventure, yey!!
Pinaghandaan naman kahit papano, after what happen to Lola Daday last april (we miss you Lola, may you rest in peace..)
Dahil planned na, Go na Go na kami!!
May 15 sana, request off ko sa trabaho, di pinayagan, 50th anniversary ni Goldilocks- straight duty pa ang beauty.
Pero wala pa rin makapagpigil! Pagpatak ng 8pm, punch out agad sumabay kay jayson hanggang Balagtas(dinadaan ng bus papuntang manila) para mkaabot ng bus.
Heto pah, mi-gosh! Puno na ang bus, standing ovation agad!
Okay.. keri ko to, ipikit ang mata, namnamin ang super cool na music ng bus, at sumabay sa pagkanta. At 2 oras lang naman DAW ang byahe...
eh ma-trafic- kasi sunday nga, uwian..
No pwede, na-nah-nah-na.. keri ko yan..
Nagtry akong umupo sa gitna, nangkupo, ang hirap ng tumayo!
Cgeh.. konting tiis pah.. anyway, nkaupo nman ako, 1 stop over na lang bago bumaba. At least.
Batangas-Crossing (EDSA); Crossings – dela Costa (bus pa din) and finally, tricycle hanggang 'dulo'( kadulo-duluhan ng subdivision kasi ang kanila ng tiyuhin ko.
12:30am na at naghihitay pa din si nene. konting chickahan muna bago natulog dahil kinabukasan, sasakay lang daw kami sa 5-star na bus papunta dun. Hehe..
Heto na naman ang aking First time!!


Tuesday, October 28, 2014

hi-tech sa banko

ETO na, mababayaran ko na ang librong pina-special delivery ko galing sa mismong may-akda.. Syempre, para may autograph at dedication. At matatapos ko na rin basahin dahil di ko na iisipin na, 'di pa to bayad.' hehe..

Kakarenovate lang ng banko na yun, yung main branch ng bpi sa Batangas City.. at first time ko rin na maghulog ng pera. Second time akong makakapasok kasi yung una, nung last week.

Closing ang schedule ko sa trabaho, akala ko, madadaanan ko lang, konting pila at deretchong teller na. Wish ko lang!

Pagpasok ko, nakahilera ang 3 atm sa bandang kanan. yung isa sa dulo, 'cash deposit, bills only' ang nakalagay. Wow.. pwede na talangang mkapagdeposit ngaun sa machine.. hehe.. Pwede kaya ako dito? Walang nakapila.. Sa isip ko lang..
Sa bandang kaliwa, may computer sa sulok, nakalagay, “BILLS & PAYMENTS”. Pang- on line payments ng lahat ng may account dito.

Madami nang naghihintay, yung iba nakatayo na.. puno na kasi ang upuan.

'Saan kaya ang pila..? abot pa kaya ako..? malamang hindi na. Helloo..

Tinanong si kuya guard sabay turo sa atm machine sa dulo, 'pwede po kaya ako magdeposit doon?' ha?? Anong klaseng tanong un..?? kaya nga nakalagay deposit only.. hahaha!
Buti na lang at mabait si kuya, sinagot naman ang tanong ko, pwede naman daw, basta may atm card kang isusuksok. Ahh.. Yun naman pala..Yun lang ang wala ako! Haha! Pang personal account deposit lang pala.

'Kuya, eh, ung pila po.. san po?' tanong ko ulit.
Tinuro ako sa isa pang machine na touch screen. Dun daw kumuha ng numero.. haayy.. may nakapila pa din. Next week na nga lang, sa day off.

Day off ko na. Lunch time. 15 minutes before 12pm na at sa kataas-taasan ng araw nang umalis ako ng bahay.
Pagkatapos kumain sa jolibee, punta na agad sa bangko, dala-dala pa rin ang “Its raining Mens” kong libro. Para kahit matagalan ako dun, busog na at di na ako maiinip.

Pagpasok ko, timing walang masyadong tao.. madaming upuan ang bakante, kahit magpalipat-lipat ako. Derecho ako sa kukuhanan ng number ng pila. Buti at may nauna sa akin, tiningnan ko kung paano at ano ang una nyang gawin. Konting pindot, maya-maya lumabas na ang papel na may number ng pila. Pag-alis, Sumunod agad ako. Tinitigan ko muna nang.. di naman masyadong matagal ang screen. hehe.. Sabi kasi ni kuya guard, di daw pwedeng i-cancel pag lumabas na ang numero. Eh di, dahan-dahan ang pindot, inisa-isa ang instruction, 'slowly but surely bah..' mahirap na magkamali. Sensya naman, di lang sanay..
Dito mo kasi ita-type ang account number ng pagdedeposituhan mo ng pera, tapos yung amount. Wala nang sulat-sulat sa papel. Di ka na mkipagsiksikan at mkipag agawan ng ballpen pagkatapos mong isa-isahin kung saan ang withdrawal slip, deposit slip- cash o check. NAKAKATUWA! HI-TECH NA TALAGA ANG MUNDO.

Dyanaan.. Labas na ang papel na may numero 80! Sabay tingin sa “serving number 70 – T4” na nakasabit sa harap para kitang-kita ng lahat. Pang-sampu pa ako, matagal-tagal pa. Humakbang ako at umupo sa may bandang gitnang upuan. Pero maya-maya, lumipat sa kabila na may pwedeng sandalan ng likod ko.

Napatingin ako sa papel, 80 lang nakalagay.. napaisip ako, paano kaya malalaman na ung account na tinayp ko, kay Ms Beverly Siy? Eh, wala namang nakalagay na pangalan..
Txt ko na lang, 'Ms Beb, magdedeposit po q ngaun, txt kita ulit kung ok na.”

Tingin ulit sa, 'Serving #72'. malayo-layo pa, buklat muna ng “Its raining Mens” - chapter ng 'Hikaw at ako'.. naka 2 pages ako at..tapos na!

Tingin ulit sa 'serving #78', maya-maya tumayo na ang sinusundan ko.. ako nahh!

Napapunta ako sa may teller na sa cubicle. 'good afternoon', bati ko.
Sinuklian naman ako ng ngiti si Ate Teller, sabay tanong,
'Kaninong panglan? '
Beverly Siy po. - sagot ko.

Yun lang, tapos print na ang deposit slip. At umalis na din ako.

Aaahh.. yun naman pala. Kino-confirm pa rin pala ni Mam Teller ang pangalan at account number.

NGAUN ALAM KO NA!!! ulit nga! Hahaha!

Nakakatuwa. Parang gusto ko tuloy mag open account.

-cjvs 10/28/14


Saturday, August 23, 2014

Guilty or not guilty?

Guilty or not?

Natapos na naman ang isang araw.  Sisilipin na ang mga friends' latest updates sa Facebook. Uy, my message galing sa HS-Batchmate, ky karen.
Click!  

"pwede mag-ask ng personal matters.."

Napaisip. Ano kaya un? kinabahan ng konti, insan xe ng taong naging bf ko.. my inaasahan na, na pwedeng itanong..
reply: 'ok lang'

"wala na ba kau ni eric? wat happen?"

haay.. eto na naman tayo.. ang mga iniiwasan na tanong sa buhay na kailangan harapin.  :-(

Si eric. Si eric ang isa sa mga taong nagpasaya ng puso ko.. at at the same time, ngpaiyak nito. Hindi naman siya stranger sa buhay ko kasi kabarkada ng utol since high school, kakilala pa din, naka-ilang punta na sa bahay pero di nga lang masyadong nag-iimikan. Yung ibang kabarkada lang nila ang medyo ka closeko, pero siya, wala lang. 
Naging friend sa FB, ka-chat.. kamustahan here & there.. hanggang ka-kol & txt.  Bumigay na si hart.  
Kahit sinabi sa sarili na 'wag masyadong umasa, kasi baka masaktan ka na naman ulit.'  
But still i pursue sa nararamdaman. ehh.. sa maganda ang feeling eh..nkaka-inspire. napapangiti ng walang dahilan.. basta ang sarap lang ng life.. nakaka-miss nga! 
nga lang pagdating sa huli....
Iyak n naman..huhuhu..   

Ganyan naman talaga magmahal di ba? ika nga, sabi nila, "Di mo nasabing nagmahal ka kung hindi ka masasaktan."

Ano nga ba ang nangyari?

Ok lang naman ang lahat..  Napagsabihan ko na rin ng problema, kwentuhan ng mga bagay-bagay.. tungkol sa family, sa work, sa life.. future plans..? hmm.. slight..
Hanggang sa magkikita na.  Medyo may konting ilangan pero nawala na din. Service ang motor nya, Get along together, nag-date sa Puntahagdan Resort.. dinala sa bahay nila, pinakilala  kay Nanay nya..  at iba pang pamilya.  ang sarap ng feeling na may halong kaba! 

Getting to know himself and myself.  Ang hirap kasi pag hindi ka nasasanay magkwento ng buhay mo sa ibang tao.. Pili lang talaga ang taong mapagsabihan ko.. lalo na pag may halong controversy sa life.  mga pinagdadaanan na feeling ko, kailangan kong sabihin at kung tanggap nya, ang tunay nga talagang mahal nya ako.  Mga pagkakamali sa buhay na willing naman ako baguhin basta tanggapin lang nya. I mean,
 "He will love me as what I am."  

Sinabi ko naman sa kanya na nagmahal ako ng taong my mahal ng iba.  Mabuti na yang sabihin ko na agad kaysa sa mauna niyang marinig sa iba.  Nakakapagod na kasi, nkakapagod masaktan.  Noong una, sabi niya, ok lang yun. Okay, kahit kinakabahan, kumapit pa din ako sa binitiwan niyang salita. parang ok naman ang lahat.. 
Kahit gabihin sa daan galing seminar sa manila, sinugod ang traffic punta pa din ako sa kanya sa Cavite .. 

2012 Election. excited na umuwi di dahil sa boboto.. Makikita ko na ang pinakamiss ko!!
text-text.. hanggang sa makadating sa bahay.. 


-punta ka dito sa bahay.. sunduin mo ko..
reply sa txt: di ako makapunta.. wala akong ganang lumabas.. masama pkiramdam ko..

pinag-alala pa ako..
-ok. txt na lang tau mamya. luvyu.

:-( dati-rati, mgkita tau. susunduin kita.. punta tayo sa bahay.. ngayon, wala na..niyaya ko mamyesta sa tagimtim, ayaw. hanggang sa niyaya ko na lang si Gisela, kasi nga umuwi nung time na yun si Nono Naldo kasama ang asawa.. 

Yun ang pinakamalungkot na uwi ko. excited pa naman para lang makita siya. 
toiiinnnksss!! crack.. crash!!! basag!!

Bumalik sa batangas ng luhaan. :-(
Andaming tanong sa sarili.. malaking-malaking 

BAKIT??????????????????????????????????????

di naman sinasabi ang totoong dahilan.. ano kayang nangyari..??
Pagdating pa sa boarding house ngka-usap ulit sa cellphone.  at sinabing kailangan niya ng space, naguguluhan daw siya sa sitwasyon namin.. 
malaking-malaking-malaking BAKIT????????? na naman ang tanong ko. nag-aalala at kinakabahan na.

ETO NA NGA BA ANG SINASABI KO.. DUMATING NA NAMAN ANG ARAW NI KINAKAKATAKUTAN KO..

Anong nangyari??? bakit ngayon lang sinabi kung kailan nakabalik na ko.  bakit hindi sinabi agad nung andun pa ako...???!!!!

haayy.. kung hindi ko pa pinilit na sabihin nya ang dahilan, di pa mgsasabi. Nuong fiesta daw nila, may sinabi sa kanya ang kamag anak tungkol sa akin.  di sinabi kung ano yun.

sa isip ko, heto na naman ako.. walang magawa.  di ko na naman napagtanggol ang sarili dahil kung saan wala siya sa harap ko, di man niya masabi sa telepono.. di ako nabigyan ng chance na malaman kung gaano kasama o slight lang ang kwentong yun.  feeling ko tuloy, ako na ang piiinakamaassamang babae sa buong universe.
hanggang ngayon, di ko pa din alam ang buong kwento.. 

Sa dami ng arguments namin, na realize ko, ang mga sinasabi niya, paano na lang ang pamilya ko, paano na lang ako..anong sasabihin ng iba.. lahat "AKO".  AKO na lang ang naintindihan ko sa usapan namin.. pag ako ang ngsasalita, iniisip ko din ang sarili ko, at ganun din siya, sarilli nya. 

Siya, kanya-kanya na ito... walang mgpapaubaya..  

E di, sinabihan ko na lang, di ko alam kung ano ang kwentong yan my sobra o kulang o exagerated ang mga sinabi sa iyo.  Sorry kung anuman yun.  

Sorry din daw sa akin, dahil sa mga ginawa ko, yun na daw ang kabayaran..

WHATT??? I know ngkamali ako. mali ako. inaamin ko yun. kaya nga nag-sorry.. Pero gusto ko magbago, kasama ka.. kung tutulungan mo ako.  give up ko lahat para sa yo.

kaya lang.. parang may mali.  'Kabayaran'?? ano yun??

parang di naman dapat.. Sa iyo ba ako my utang? 

Napaisip tuloy ako, tama bang siya ang magsabi nyan? sa akin parang hindi.

Di naman ako nagkulang na sabihin sa iyo sa una pa lang.. sabi mo, ok lang.. 
tapos ngaun, dahilan mo,   "akala ko di masyadong alam.." 

You're so judgemental.. hehehe

Hinusgahan mo naman ako ng sobra-sobra.  Di man lang ako kinausap ng maayos, tinanong.. para saan pa na naging boyfriend kita? kung naguluhan ka, dapat noon pa lang, ngkita tayo at kina usap mo ako.

Damn! That is UNFAIR!

Okay.. fine.  tanggapin ko desisyon mo, kung yan ang desisyon mo.. dyan ka masaya. Para sa iyo.
Sa pangalawang beses, ang taong pinagkakatiwalaan ako, hinulog na naman ako. 

ARAAYY! ansakit nun ah.

Pero siguro kahit papano medyo namanhid na...  kailangan eh.  kaysa magmukmok, mag-isip ng hindi maganda.. eh di, magpaka-MANHID na lang.. 

Go on with my life! 

Siguro, guilty ako sa iba, pero sa iyo, hindi.

Yung nakakalungkot lang.. Ang gusto ko lang mangyari ang MAKAPAG-USAP sa iyo ng harapan. 
ANG TANGING HINIHINGI KO LANG ANG 
"MAKAPAG-USAP. "

simple lang naman yan di ba? 

PAG-UUSAP,   

 ano man ang mangyayari, at least, magkaliwanagan man lang.  

yun lang ang kailangan ko.. 

tinganggi mo, tinanggi ninyo, dahil 2 na kayo.

nakalungkot lang.

Di ko deserve ang mga kagaya nyo.  :-(


















Friday, August 8, 2014

day off

August 9. day off. 
PLAN BAGO MAG-OFF: 
-punta manila o cavite, magkikita ng hyskol friends.
kung walang mgconfirm sa fb na sigurado: 
-pa-medical,
-maglalaba,
 -gustong manuod ng sine sa sm (kaya lang traffic, putol ang tulay sa pagtawid ng Calumpang River)..bahala na..
-mggigitara   (frustrated matuto ng gitara..)

9:48am august 9. saturday
Andito pa din sa haws. kahit wala pa ding nagagawa sa nabanggit na plano.  eh, sa tanghali nang magising palibhasa 2days straight duty (thurs-friday).  Andito pa sila Ms Grace, (2 days na xe ngpa-passport sila ni lance  kahapon sa Robinson-Lipa) Syempre pag may kasama, mapa-hunta, mpakwento-kwento.. si Lance nman closing ngaun, hinintay q n lang matapos maligo, habang nkikinig sa pagigitara ng mag-jowang grace-el.  hehe..

Paduyan-duyan muna pagkatapos kumain ng heavy breakfast:  1 piling na saging na saba ni pinirito (di nman naubos, my mga 6 na gayat pang natira), kalo-kalo (Fried rice), 1 maliit na lata ng hot & spicy na tuna na ginisa at nilagyan ng natirang tinadtad na saging na saba (tira kahapon. hehehe).. may kape pa.. nabusog ako dun ah!

Yun at batiin muna sa fb ung 2 kaklase nung hyskol, Sina Cheryl Villesenda at Conie Secapero (di ko tanda ang apilyedo ngaun, xe ng asawa na..), at si Ching-ching- EstrelAnerose Ysulat ang aking inaanak ng 2nd cuzin na rin.. na andun sa Davao ng aral ng College kasama mga kmag anak nmin dun. Sanay maging maligaya at puno ng biyaya ang darating pa nilang mga araw.

10am pa lang mhaba-haba pa ang araw at may gabi pa.. hehehe.. sanay madami pa q magawa ngaung araw.

Anyway, i really love Babe Ang.  kakatuwa basahin ang blog nya!







Zipline in Davao! -first time

-A once in a lifetime experience with cuzn Issa, (Neliza Villodres) last 2012 Villodres Clan Reunion in Davao.  
On the way to CDO Airport, we had a quick tour from Maramag, Bukidnon to Cagayan De Oro.. 
Tinanong kmi kung gusto mag-zipline, sa isip ko, 'minsan lang ito..umo-o ka na.. first time maka-experience'
yessss..  thank you Manong Bong-bong!! That was FUN-FUN-FUN!!!! 


#ilovedavaoescapade