Thursday, June 16, 2016

Cousin's Day Out part1

           


COUSIN'S DAY OUT

Part 1. The Plan

May 13, 2015 @Bayambang.Pangasinan



Picture taken last year. Ella, ako, Nene Amidel.. Eto yung last year na ngkachance na makapunta sa Pangasinan. Kumuha lang naman si nanay nga kanyang retirement, naisipang pumasyal sa kina Auntie Fe at Ella sa Bayambang, Pangasinan. Tapos, nasabi ni Auntie Fe na, 'Balik kayo dito next year..'

Sometime ng April ng post sa messenger namin ni ella si nene Amy,
“I NEED A BREAK!!!” - badly needed daw yung 'BREAK' nya..
why not? Sige.
after election.
May 20, 2016@Bayambang,Pangasinan
Bahala na daw si Ella sa itinerary- Baguio at hundred Islands Adventure, yey!!
Pinaghandaan naman kahit papano, after what happen to Lola Daday last april (we miss you Lola, may you rest in peace..)
Dahil planned na, Go na Go na kami!!
May 15 sana, request off ko sa trabaho, di pinayagan, 50th anniversary ni Goldilocks- straight duty pa ang beauty.
Pero wala pa rin makapagpigil! Pagpatak ng 8pm, punch out agad sumabay kay jayson hanggang Balagtas(dinadaan ng bus papuntang manila) para mkaabot ng bus.
Heto pah, mi-gosh! Puno na ang bus, standing ovation agad!
Okay.. keri ko to, ipikit ang mata, namnamin ang super cool na music ng bus, at sumabay sa pagkanta. At 2 oras lang naman DAW ang byahe...
eh ma-trafic- kasi sunday nga, uwian..
No pwede, na-nah-nah-na.. keri ko yan..
Nagtry akong umupo sa gitna, nangkupo, ang hirap ng tumayo!
Cgeh.. konting tiis pah.. anyway, nkaupo nman ako, 1 stop over na lang bago bumaba. At least.
Batangas-Crossing (EDSA); Crossings – dela Costa (bus pa din) and finally, tricycle hanggang 'dulo'( kadulo-duluhan ng subdivision kasi ang kanila ng tiyuhin ko.
12:30am na at naghihitay pa din si nene. konting chickahan muna bago natulog dahil kinabukasan, sasakay lang daw kami sa 5-star na bus papunta dun. Hehe..
Heto na naman ang aking First time!!


No comments:

Post a Comment