Friday, July 12, 2013

32 & single

32 and SINGLE!

Sa totoo lang, may plano sana ako nung bday q.. gagawa ang graham cake. kaya ang ung lalagyan lang ang nabili q.. :-)
andami xe binayaran.. Globeplan q na di daw ako nkabayad nung april..(dahil nga ngkaproblema system nila, delay ang bill q.. ayun, ngpatong2 di q na namonitor.. kasalanan q ba un..?) inayos q muna.. pati na yung hiniram q sa paluwagan nung umuwi ako para bomoto sa National Election.. (sayang and voter's ID).
Hayun.. nagpansit na lang kmi. 1 bilaong pansit sa katrabaho q. bumili si mike at mj ng 1.5 coke, si sir eric, 3 supot na kutchinta, at ang 1 natirang puto, nilagyan ng 1 violet (fave q daw violet, eh) spiral candle at 2 tube roses.
Kailangan q daw mgblow ng candle.. sige, pagbigyan.  hehehe.. anyway, it made my day! Thank you!!!
Thank you din sa lahat ng nakaalala.. ang mga superfriends qng ngtxt.. tumawag.. kay nanay na 20 pa lang, tumawag at ng greet na agad.  sa mga fb friends q.  sa boyfriend (na nhihirapan daw ng sitwasyon nmin kya ayaw na nya sa kin..)na di matanggap-tanggap ang kung anuman ang pinagdaanan q. ano n lang daw ang sabihin ng pamilya  nya.. Wala nmang taong "Perfect" kung ngkamali man sa buhay.. may chance pa nman atang mgbago.. well.. ganyan talaga ang life.. may taong ayaw kang bigyan ng chance.  or just di lang talaga nya ako totoong mahal..? anyway, salamat sa pag-alaala sa bday q.  sana maging masaya ka sa life mo. mahal na mahal pa din kita.
Happy birthday sa kin, 32 and still SINGLE!

Good morning sunshine!

batangas city port
Pagtapos ng mahaaabaang 3 araw na bakasyon sa probinsya na di man lang ngpakita ang boyfriend, sinalubong ako ng magandang sikat ng araw pagdating sa pier ng batangas.
May 13, 4 am ng madaling araw ngbyahe pa mula batangas hanggang ninoy aquino international airport.
Lunchtime na nkadating ng bahay. Sa wakas! nkauwi n nman ako sa bhay namin..
Txt agad sa boyfriend na sabik na sanang mkita. Busy daw, nkapila sa botohan. Eleksyon kasi yun, un din ang dinahilan q sa pag uwi bukod p sa mkita q sna xa. Pagdating sa bahay, nkaboto n lahat sila, ako n lang. sabi q, mamya na afterlunch para wla n masyadong pila.  Ayun pala, my number ang pila.. ang haba pa ng aantayin.. pano xe, 1 lang ang presinct, last yr, 3.  pinagkasya b nman sa 1..  saktong kalembang nman ng kampana ng simbaham, ("Angelus") kakatapos q lang magshade sa balota. un, congratulations daw sabi ng PIKOS machine.
kinabukasan, txt p din ako at twag sa bf na dinahilan, walang gana lumabas.. ewan q nga ba. Niyaya q ma-myesta sa Tagimtim, ayaw.  kahit pumunta sa bhay at nkabalik na q. Di tlaga kmi ngkita. Kakalungkot no..? umuwi ka para mkita xa, un pa nangyari. ayaw nya.. kesyo my problema xa.. mbigat ang pkiramdam na lumabas.. madaming dinadahilan na di kayang sabihin ng dretso sa kin ang totoo.
Nasa bus na q pbalik ng batangas, . ayaw pa din sagutin ang twag q.. haayy.. akala q ikaw na.madami na ang pumasok sa isip.. napapaiyak n lang at pilit na tinatago ang luha at namamagang mata sa ilalim ng shades na suot. Buong mghapon hanggang gabi kong inisip, ano kya ang malalim nyang dahilan.
Kinabukasan pagdaung sa pier ng batangas, sabay sikat ng magandang araw.. Parang sinasabi ng araw sa kin na, "Isang magandang bagong umaga ang naghihintay.. kaya mo yan!"