Tuesday, October 28, 2014

hi-tech sa banko

ETO na, mababayaran ko na ang librong pina-special delivery ko galing sa mismong may-akda.. Syempre, para may autograph at dedication. At matatapos ko na rin basahin dahil di ko na iisipin na, 'di pa to bayad.' hehe..

Kakarenovate lang ng banko na yun, yung main branch ng bpi sa Batangas City.. at first time ko rin na maghulog ng pera. Second time akong makakapasok kasi yung una, nung last week.

Closing ang schedule ko sa trabaho, akala ko, madadaanan ko lang, konting pila at deretchong teller na. Wish ko lang!

Pagpasok ko, nakahilera ang 3 atm sa bandang kanan. yung isa sa dulo, 'cash deposit, bills only' ang nakalagay. Wow.. pwede na talangang mkapagdeposit ngaun sa machine.. hehe.. Pwede kaya ako dito? Walang nakapila.. Sa isip ko lang..
Sa bandang kaliwa, may computer sa sulok, nakalagay, “BILLS & PAYMENTS”. Pang- on line payments ng lahat ng may account dito.

Madami nang naghihintay, yung iba nakatayo na.. puno na kasi ang upuan.

'Saan kaya ang pila..? abot pa kaya ako..? malamang hindi na. Helloo..

Tinanong si kuya guard sabay turo sa atm machine sa dulo, 'pwede po kaya ako magdeposit doon?' ha?? Anong klaseng tanong un..?? kaya nga nakalagay deposit only.. hahaha!
Buti na lang at mabait si kuya, sinagot naman ang tanong ko, pwede naman daw, basta may atm card kang isusuksok. Ahh.. Yun naman pala..Yun lang ang wala ako! Haha! Pang personal account deposit lang pala.

'Kuya, eh, ung pila po.. san po?' tanong ko ulit.
Tinuro ako sa isa pang machine na touch screen. Dun daw kumuha ng numero.. haayy.. may nakapila pa din. Next week na nga lang, sa day off.

Day off ko na. Lunch time. 15 minutes before 12pm na at sa kataas-taasan ng araw nang umalis ako ng bahay.
Pagkatapos kumain sa jolibee, punta na agad sa bangko, dala-dala pa rin ang “Its raining Mens” kong libro. Para kahit matagalan ako dun, busog na at di na ako maiinip.

Pagpasok ko, timing walang masyadong tao.. madaming upuan ang bakante, kahit magpalipat-lipat ako. Derecho ako sa kukuhanan ng number ng pila. Buti at may nauna sa akin, tiningnan ko kung paano at ano ang una nyang gawin. Konting pindot, maya-maya lumabas na ang papel na may number ng pila. Pag-alis, Sumunod agad ako. Tinitigan ko muna nang.. di naman masyadong matagal ang screen. hehe.. Sabi kasi ni kuya guard, di daw pwedeng i-cancel pag lumabas na ang numero. Eh di, dahan-dahan ang pindot, inisa-isa ang instruction, 'slowly but surely bah..' mahirap na magkamali. Sensya naman, di lang sanay..
Dito mo kasi ita-type ang account number ng pagdedeposituhan mo ng pera, tapos yung amount. Wala nang sulat-sulat sa papel. Di ka na mkipagsiksikan at mkipag agawan ng ballpen pagkatapos mong isa-isahin kung saan ang withdrawal slip, deposit slip- cash o check. NAKAKATUWA! HI-TECH NA TALAGA ANG MUNDO.

Dyanaan.. Labas na ang papel na may numero 80! Sabay tingin sa “serving number 70 – T4” na nakasabit sa harap para kitang-kita ng lahat. Pang-sampu pa ako, matagal-tagal pa. Humakbang ako at umupo sa may bandang gitnang upuan. Pero maya-maya, lumipat sa kabila na may pwedeng sandalan ng likod ko.

Napatingin ako sa papel, 80 lang nakalagay.. napaisip ako, paano kaya malalaman na ung account na tinayp ko, kay Ms Beverly Siy? Eh, wala namang nakalagay na pangalan..
Txt ko na lang, 'Ms Beb, magdedeposit po q ngaun, txt kita ulit kung ok na.”

Tingin ulit sa, 'Serving #72'. malayo-layo pa, buklat muna ng “Its raining Mens” - chapter ng 'Hikaw at ako'.. naka 2 pages ako at..tapos na!

Tingin ulit sa 'serving #78', maya-maya tumayo na ang sinusundan ko.. ako nahh!

Napapunta ako sa may teller na sa cubicle. 'good afternoon', bati ko.
Sinuklian naman ako ng ngiti si Ate Teller, sabay tanong,
'Kaninong panglan? '
Beverly Siy po. - sagot ko.

Yun lang, tapos print na ang deposit slip. At umalis na din ako.

Aaahh.. yun naman pala. Kino-confirm pa rin pala ni Mam Teller ang pangalan at account number.

NGAUN ALAM KO NA!!! ulit nga! Hahaha!

Nakakatuwa. Parang gusto ko tuloy mag open account.

-cjvs 10/28/14