Wednesday, August 25, 2021

reminisce while on quarantine: Grade IV classroom

elementary days at DaoCentralSchool
How I love to reminisce my days after transferring from SACGradeSchool to DaoCentralSchool.
On the picture was then our classroom, Grade IV under mam Gloria Sastrillo.
Di pa Yan jalousy  Ang bintana, sliding window pero Hindi glass..pwede ka pang tumalon pagnaghahabulan kau sa classroom (habang wala si mam). Last classroom xa Ng building Kaya Ang dulo nya, ginagawang parking lot Ng mga may bike. Mga nagbabike pag pumapasok sa school.. including me sometimes. 
Masaya na ako sa BMX bike q. 😁
Sa room na ito, umiyak ako dahil di q alam isasagot q sa religion test nila, para review  exam Ng pinag aralan nila the previous year. E kakatransfer q lang. Khit anong pilit q sumagot, di ako mkarelate. 
Umiyak din ka pagbubully Ng classmates na walang ginawa kundi tuksuhin ka, lalo na Bago ka. 
Sa classroom na ito, xempre ksama na si mam Sastrillo, napasali ako sa A1 child, (malay q Kung ano un dati, Basta sunod lang ako). Parang contest un Ng mga 'healthyChild'-normal Ang weight, walang sira Ang ngipin..,etc. Ginawa every nutrition month. Tpos, parampahin ka sa stage. Then, tatanungin ka about health trivias.. khit mhiyain ako, sumunod lang, pero Malay q dun. Di q ata ginalingan.. hehe..
Dahil nga Bago sa school at nkikitaan ata nila Ng potential at dahil sa magaling daw q magsalita ng English, nag English declamator ako. Sa grade level lang namin. Kaya lang, na conscious at nkalimot Ng linya. 
Anyway, inspite of the encouragements nanatili p din ako introvert.. I went with my friends, childhood friends at newfound friends.. pero mostly tahimik lang ako. Go with the flow.
Sa.classroom na Yan, na experience q na halos 1month kami walang pasok dahil mam Sastrillo was admitted at the hospital. Minsan Pina pa sit-in kami sa class ni mam nierva, sa kabilang room. Pero, pag Hindi, andun kami sa plaza. Nagbabasketball Ang boys, kami nanunuod at cheerer o Kaya naghahabulan kami mahagpon. 😂 Ang saya nun!
Pero nung araw na na ospital si mam, nagtaka ako pagdating q sa classroom na Yan, naglilinis mga classmates q, may natutuwa dahil walang pasok, may naghahabulan, magulo Ang room. May nagsisigaw pa, 'na high blood si mam, walang pasok! Woooh!' (-sori mam Sastrillo, just being childish)
Pero, na miss di namin si mam Kaya, some of us nag initiate na bisitahin si mam sa ospital, sa abaca.. nka bike lang kami, girls&boys, ung iba angkas sa my bike. At Ang tanging bitbit namin para Kay mam ay 1pirasong skyflakes. Hindi ung 1 pack na pang 10, kundi 1 biscuit na may 3piraso sa loob. 😂 Sanay na appreciate ni mam.. hehe Senxa na po. Mga inosenteng mga Bata na nag aala sa Mam nila.
Dito din sa classroom na ito napatikim q sa classmates q kung gaano ako kasakit mangurot, kase sa tuwing tuksuhin nila ako, o ibully, my first self defense ay mangurot. 🤣 Kaya Minsan tahimik n lang sila. Titigil na sila. Dito din sa classroom na ito, na experience q din sumama sa pasaway.. hehe... Hindi nag join sa flag ceremony, dun lang sa likod Ng classroom Ng tago. Pero Minsan namn , napag assign din akong manguna sa pag recite Ng Panatang Makabayan, o magkumpas sa harap habang kinakanta Ang Lupang Hinirang, o maghila Ng lubid para sa flag raising. Hehe... Nakakenjoy. 
Sa classroom na ito q din nkilala Ng lubos Ang "dyban"- parang baul Ng walis at bunot at basahan 😁
Storage Ng mga cleaning materials. Palagi xe, 'kunin mo Ang walis sa dyban, o ung bunot'
Palinisan kmi Ng area. Minsan ung basahan, andun na sa mataas n bhagi Ng classroom, tinatapon.. 
Dito q din unang na experience Yung mahabang upuan na 2-3 kau Ng classmates mo mgkatabi, share din sa mhabang desk na may lagayan Ng gamit sa ilalim. (Sana na gets nyo) natuwa ako dun. Pwede ka mgtago chichirya habang naka klase 😅

Sa Dami pa Ng mga unang experiences q, dito sa school at sa classroom na ito.
Ngayon, Hindi na xa DaoCentralSchool, part na xa nga municipal government property. Dapat ata gawing mga office Kaya lang nagPandemic. Parang ginawang isolation facility na Ang buong area na ito. 
Masaya lang na mg reminisce Ng memories.

GradeIV ako nun.. ambilis Ng panahon. 😊

No comments:

Post a Comment