ETO na, mababayaran ko na ang librong pina-special delivery ko galing sa
mismong may-akda.. Syempre, para may autograph at dedication. At
matatapos ko na rin basahin dahil di ko na iisipin na, 'di pa to
bayad.' hehe..
Kakarenovate
lang ng banko na yun, yung main branch ng bpi sa Batangas City.. at
first time ko rin na maghulog ng pera. Second time akong makakapasok
kasi yung una, nung last week.
Closing
ang schedule ko sa trabaho, akala ko, madadaanan ko lang, konting
pila at deretchong teller na. Wish ko lang!
Pagpasok
ko, nakahilera ang 3 atm sa bandang kanan. yung isa sa dulo, 'cash
deposit, bills only' ang nakalagay. Wow.. pwede na talangang
mkapagdeposit ngaun sa machine.. hehe.. Pwede kaya ako dito? Walang
nakapila.. Sa isip ko lang..
Sa
bandang kaliwa, may computer sa sulok, nakalagay, “BILLS &
PAYMENTS”. Pang- on line payments ng lahat ng may account dito.
Madami
nang naghihintay, yung iba nakatayo na.. puno na kasi ang upuan.
'Saan
kaya ang pila..? abot pa kaya ako..? malamang hindi na. Helloo..
Tinanong
si kuya guard sabay turo sa atm machine sa dulo, 'pwede po kaya ako
magdeposit doon?' ha?? Anong klaseng tanong un..?? kaya nga
nakalagay deposit only.. hahaha!
Buti
na lang at mabait si kuya, sinagot naman ang tanong ko, pwede naman
daw, basta may atm card kang isusuksok. Ahh.. Yun naman pala..Yun
lang ang wala ako! Haha! Pang personal account deposit lang pala.
'Kuya,
eh, ung pila po.. san po?' tanong ko ulit.
Tinuro
ako sa isa pang machine na touch screen. Dun daw kumuha ng numero..
haayy.. may nakapila pa din. Next week na nga lang, sa day off.
Day
off ko na. Lunch time. 15 minutes before 12pm na at sa
kataas-taasan ng araw nang umalis ako ng bahay.
Pagkatapos
kumain sa jolibee, punta na agad sa bangko, dala-dala pa rin ang “Its
raining Mens” kong libro. Para kahit matagalan ako dun, busog na
at di na ako maiinip.
Pagpasok
ko, timing walang masyadong tao.. madaming upuan ang bakante, kahit
magpalipat-lipat ako. Derecho ako sa kukuhanan ng number ng pila.
Buti at may nauna sa akin, tiningnan ko kung paano at ano ang una
nyang gawin. Konting pindot, maya-maya lumabas na ang papel na may
number ng pila. Pag-alis, Sumunod agad ako. Tinitigan ko muna
nang.. di naman masyadong matagal ang screen. hehe.. Sabi kasi ni
kuya guard, di daw pwedeng i-cancel pag lumabas na ang numero. Eh
di, dahan-dahan ang pindot, inisa-isa ang instruction, 'slowly but
surely bah..' mahirap na magkamali. Sensya naman, di lang sanay..
Dito
mo kasi ita-type ang account number ng pagdedeposituhan mo ng pera,
tapos yung amount. Wala nang sulat-sulat sa papel. Di ka na
mkipagsiksikan at mkipag agawan ng ballpen pagkatapos mong isa-isahin
kung saan ang withdrawal slip, deposit slip- cash o check.
NAKAKATUWA! HI-TECH NA TALAGA ANG MUNDO.
Dyanaan..
Labas na ang papel na may numero 80! Sabay tingin sa “serving
number 70 – T4” na nakasabit sa harap para kitang-kita ng lahat.
Pang-sampu pa ako, matagal-tagal pa. Humakbang ako at umupo sa may
bandang gitnang upuan. Pero maya-maya, lumipat sa kabila na may
pwedeng sandalan ng likod ko.
Napatingin
ako sa papel, 80 lang nakalagay.. napaisip ako, paano kaya malalaman
na ung account na tinayp ko, kay Ms Beverly Siy? Eh, wala namang
nakalagay na pangalan..
Txt
ko na lang, 'Ms Beb, magdedeposit po q ngaun, txt kita ulit kung ok
na.”
Tingin
ulit sa, 'Serving #72'. malayo-layo pa, buklat muna ng “Its
raining Mens” - chapter ng 'Hikaw at ako'.. naka 2 pages ako
at..tapos na!
Tingin
ulit sa 'serving #78', maya-maya tumayo na ang sinusundan ko.. ako
nahh!
Napapunta
ako sa may teller na sa cubicle. 'good afternoon', bati ko.
Sinuklian
naman ako ng ngiti si Ate Teller, sabay tanong,
'Kaninong
panglan? '
Beverly
Siy po. - sagot ko.
Yun
lang, tapos print na ang deposit slip. At umalis na din ako.
Aaahh..
yun naman pala. Kino-confirm pa rin pala ni Mam Teller ang pangalan
at account number.
NGAUN
ALAM KO NA!!! ulit nga! Hahaha!
Nakakatuwa.
Parang gusto ko tuloy mag open account.
-cjvs
10/28/14

